Usap-usapan ngayon ang mahabang Facebook post ng actress-politician na si Aiko Melendez, patungkol sa pagiging "grateful" sa showbiz.

Ayon kay Aiko, medyo abala siya ngayon dahil bukod sa pagiging public servant at artista, nag-aaral pa siya sa isang pamantasan.

"Yan ang isang bagay na habang buhay ko na ipapasalamat na natutunan ko sa mundo na kinalakihan ko ang matuto na magbigay-halaga sa mga gusto mo gawin na walang pumipigil or nagtutulak kaya siguro marahil sa edad na 47 pinili ko ang mag-aral pa rin at bigyan ng pansin ang mahalaga sa akin."

"Bakit? Kasi kahit naman aktibo pa rin ako sa pag-aartista ko hanggang ngayon lagi kahit I am being managed by Ogie Diaz mag-iisang taon na ako sa kaniya wala contract verbal / based on trust and me kasamang pagmamahal at di lang pera ang mahalaga."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kahit na walang kontrata sa isa't isa ay naniniwala pa rin si Aiko sa tumatayong talent manager niya ngayon na si Ogie Diaz, subalit aniya, talent pa rin ang masusunod sa lahat ng desisyong ginagawa niya sa kaniyang career.

"Lagi sa huli ng desisyon ang talent pa rin ang masusunod pero me mga bagay na sinuggest si Mader Ogie sa akin na umoo ako kasi tingin ko kaya ko gawin at i-justify yung role at hindi nalang kasi kami sa pera tumitingin kasi modesty aside naman nakuha ko na at narating yung peak ng career ko. Hindi lahat naman hanggang ngayon ay nabibigyan ng pagkakataon na umarte pa at mabigyan ng lead roles at supporting roles."

Ibinahagi rin ni Aiko ang kaniyang pananaw kung bakit sa palagay niya ay tumagal siya sa industriya. Sinariwa ng aktres ang mga karanasan niya noon at kung sino-sino ang mga nakatulong sa kaniya. Marunong aniya siyang tumanaw ng utang na loob sa mga taong kung wala naman ay wala rin aniya siyang mararating.

"Isa ako sa mapalad dahil nagagawa ko ang gusto at mahal ko. Marahil ang dahilan ng longevity ko sa karera ko ay marunong akong tumingin sa kung saan ako nagsimula. Kaya nga di ba tinaggap ko ang Mano Po 3 dahil produced by Mother Lily at Regal Entertainment Inc. Kasi doon nagsimula ang lahat. Doon ako nakita ng GMA-7 para ibigay ang 'Bubble Gang' show sa akin na lead kami at hanggang ngayon nasa ere pa rin sila. Doon din ako pinagkatiwalaan ng 'Dick en Carmi' para maging isa sa co-host nila ng ABS-CBN."

"Ang punto ko at natutunan sa manager ko na si Tito Douglas Quijano ay be grateful. Don’t burn bridges. Kasi maliit ang mundo ng showbiz para mas paliitin mo pa ito. Ang kaaway mo noon maari maging tulay para mas may magandang oportunidad sa'yo sa pag-arte. Naniniwala ako sa salitang 'What comes around goes around.' Kapag nagtanim ka ng maganda may aanihin kang maganda. At hindi mo pwede solohin ang lahat ng kredito sa sarili mo lang."

"Collaboration of great minds ang lahat ng karera sa buhay. Kasi sa mundo namin at mag-35 yrs na ata ako sa showbiz hindi pwede ang talent lang ang mag-iisip lahat ng career moves eh. Dapat me kaagapay ka na tumitimon sa laban mo."

Nagbigay ng payo si Aiko sa mga baguhan sa showbiz.

Sa nga baguhan ngayon ang payo ko lang be humble enough to admit that whatever achievement you have achieved in life is not just about you! Its about the people around you na may malasakit sa'yo na pagandahin ang karera mo, matuto magpasalamat din sa mga press ako hanggang ngayon marunong akong magpasalamat kapag pinupuri ako ng press, media or ng ordinaryong tao."

"Kasi ang salitang pasasalamat ay nakaukit 'yan sa mga taong pinasasalamatan mo ibig sabihin appreciative ka sa efforts nila. Kulang ang espasyo ngayon para sa mga nais ko sabihin… Tumingin sa pinanggalingan at wag tatalikod. Maaaring gusto mo baguhin ang karera mo sa ano mang paraan mo gusto but you can’t discount the fact na minsan sa buhay mo nakasama mo ang mga taong tumulong sa'yo kaya ang simpleng pagpapasalamat sa kanila ay di kalabisan."

Marami naman ang nagsasabing sapul na sapul daw rito ang dating talent ni Ogie na si Liza Soberano, na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang "rebranding" at kawalan daw ng utang na loob sa kaniyang dating manager, talent agency, at TV network na kinabibilangan.