Lumaki ang pag-asa ng Meralco na makakuha ng twice-to-beat bonus makaraangpaluhurinang Phoenix Fuel Masters, 92-86, sa PBA Governors' Cup sa PhilSports Arena nitong Linggo.
Naitala na ng Bolts ang ikalawang sunod na panalo sa 11 nilang laban kaya posibleng makatuntong sa Top 4.
Solidong performance ang ipinalasap ni Meralco import KJ McDaniels sa kalaban dahil sa double-double nito.
Naitala niya ang 19 markers, 16 rebounds, apat na steals at limang blocks, kahit na-foul out ito.
Hindi nakalaro ang small forward ng Bolts na si Allein Maliksi dahil sa one-game suspension matapos sakalin ang manlalaro ng Converge FiberXers na siBarkley Eboñasa huli nilang laban kamakailan.