Arestado ang tatlong suspek, dalawa sa kanila ay umano’y dating sundalo, sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo nitong Sabado, Marso 4.

Naaresto umano ng Bayawan Philippine National Police at Philippine Army ang mga suspek sa gitna ng kanilang hot pursuit operation sa Sitio Punong, Brgy. Cansumalig, Bayawan City, bandang 4:20 kaninang hapon.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad at paghuli sa iba pang mga suspek sa krimen.

Namatay si Degamo matapos siyang pagbabarilin umano bandang 9:36 ng umaga habang nakikipag-usap ito sa ilang benepisyaryo ng 4Ps sa harap ng kaniyang bahay sa Barangay San Isidro, Sto. Nuebe sa Pamplona.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasawi ito bandang 11:41 ng umaga sa ospital.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!