Kumpirmadong patay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos umano siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa kaniyang bahay sa lungsod ng Pamplona nitong Sabado ng umaga, Marso 4.

Nangyari umano ang pag-ambush sa 56-anyos na gobernador dakong 9:36 kaninang umaga sa tahanan nito sa Barangay San Isidro, Sto. Nuebe sa Pamplona.

Nakikipag-usap lamang daw si Degamo sa ilang benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) sa harap ng kaniyang bahay nang dumating ang mga armadong grupong nakasuot umano ng army at navy uniforms sakay ng dalawang SUV at saka pinagbabaril ang gobernador.

Matapos itakbo sa ospital, idineklara umanong patay si Degamo bandang 11:41 ng umaga.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Kinumpirma rin nina Siaton Mayor Cezanne Fritz Diaz at Dauin Mayor Galic Truita ang pagkasawi ng gobernador.

Sa video na kalakip ng Facebook post ni Diaz, humingi ang dalawang alkalde ng dasal sa publiko dahil sa biglaang pagpanaw ni Degamo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.