Naglabas ng saloobin ang beauty product CEO at social media personality na si Rosemarie ‘'Rosmar’' Tan Pamulaklakin, matapos umano'y pagtawanan at umano'y dogshowin ng mga itinuturing niyang idolo ang kaniyang concert.

Sey ni Rosmar, sobrang nasaktan siya sa mga nabasa niyang reaksiyon galing pa mismo sa mga ini-idolo niya na minsa'y natulungan niya.

BASAHIN: Toni Fowler, di makikisawsaw sa away nina Rosmar Tan, Zeinab Harake

Aniya, "Never naging panunumbat ang pagpapaalala sa isang tao na minsan ay naging mabuti ka sa kanila. Masakit lang talaga na wala kang ibang hinangad kung 'di ang mapabuti sila tapos ganun ang ipaparamdam sayo sa suportang pinapakita mo."

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dagdag pa ni Rosmar, ginawa niya ang lahat para sa kaniyang pangmalakasang concert pero dinogshow lang ng ilang netizens at social media personality.

"Yung pakiramdam mo binigay mo yung best at effort mo sa concert kahit hindi ka naman talaga marunong sumayaw at mag-perform sa harap ng libu-libong tao, pero no choice ka. Tapos ganun ang mababasa ko sa mga taong ini-idolo ko pa. Nakakadown lang talaga."

Payo ng netizens kay Rosmar, 'wag na umano niyang pansinin ang sinasabi ng ilang social media personalities tungkol sa kaniyang concert dahil baka inggit lang umano sila sa matagumpay at pinakamalakas na concert ni Rosmar.