Pasok na sa quarterfinals ang Magnolia Hotshots matapos patumbahin ang NorthPort, 129-109, sa 2023 PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Huwebes ng gabi.

Humakot ng 28 points at 14 rebounds si Hotshots import Antonio Hester at sinundan ng 21 points ni Mark Barroca.

Naka-19 points naman si Rome Dela Rosa, sumunod si Calvin Abueva sa nakuhang 18 markers at 16 naman kay Paul Lee.

Aminado naman si Magnolia head coach Chito Victolero na dismayado siya sa unang bugso ng laban dahil hindi pumapasok ang kanilang tira.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Pagpasok aniya ng second quarter, bumawi na ang mga manlalaro nito hanggang sa final period.

Kumana pa rin ng 31 points si NorthPort import Kevin Murphy habang nakaipon pa ng 30 markers si Robert Bolick.

Tangan na ng Hotshots ang 7-4 record sa likod ng TNT (8-1), San Miguel (7-2), at NLEX (7-3).

Hawak naman ng Barangay Ginebra ang limang panalo sa pitong laban habang naka-anim na panalo ang Converge sa siyam na laban.