May bagong update ang “Avengers” star na si Jeremy Renner matapos maaksidente sa snowplow halos dalawang buwan na ang nakakaraan.

Sa Instagram post ng aktor ay nagbahagi siya ng video at larawan ng kaniyang sarili na nagpe-pedaling ng isang paa sa isang nakatigil na bisikleta–sa tulong ng isang tool na pawang strap.

"Whatever it takes,” aniya sa caption.

Sa susunod na larawan, ipinakita ni Renner na ginagawa rin niya ang kaniyang "mental recovery", sa pagbabasa ng "The Book of Awakening" ni Mark Nepo.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Naaksidente siya sa kaniyang "snowcat" na ginagamit sa pagtanggal ng mga namuong niyebe o snow sa driveway, para tulungan ang kaniyang pamangkin na mailabas ang kaniyang trak sa snow nang hindi sinasadyang mahila siya sa ilalim at nasagasaan ng araro.

BASAHIN: ‘Hawkeye’ star Jeremy Renner, nadisgrasya; nagpapagaling na sa ICU

Lubos naman ang kaniyang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya habang siya'y nagpapagaling.

BASAHIN: MCU star Jeremy Renner, nagpasalamat sa mga sumusuporta sa kaniyang pagpapagaling