Sa panayam ng journalist-news anchor na si Julius Babao, idinetalye ni Eric "Eruption" Tai kung bakit bigla na lang siyang nawala sa noontime show na "It's Showtime," kung saan naging bahagi siya ng hosts mula 2011 hanggang 2015.

"Bakit ka umalis sa Showtime?" tanong ni Babao.

Isinalaysay ni Eruption na dumaan sa pagrereformat ang noontime show.

Aniya, papasok na raw siya isang araw nang bigla siyang tawagin ng producer ng show. Umakyat daw sila sa "taas" kaya natunugan na ni Eruption na may "something is going on."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi raw sa kaniya ng producer ng noontime show na dumaan sa reformatting ang show at hindi na kailangan ang full services niya rito.

Sa halip na magalit ay nagpasalamat daw si Eric sa producer.

"Thank you, kasi kilala na 'ko, dahil sa inyo, kilala na ako. And I will always hold that to my heart… Showtime, maraming salamat! Direk Bobet, thank you so much, Vice (Ganda), everyone there… thank you, because I was known as Eruption, I have a name now."

Todo raw ang pasasalamat ni Eruption dahil naging tulay ang Showtime para magtiwala sila ang ilang brands at kunin siyang endorser.

Kaya lang, napaisip din si Eruption kung ano na ang gagawin niya matapos ang hosting stint sa Showtime.

Habang naglalakad patungo sa kotse hanggang sa pagmamaneho pauwi ay nagdasal daw si Eruption sa Diyos, at nakampante naman siya na hindi siya pababayaan nito.

Ang kabuuan ng panayam ay mapapanood sa social media platforms ni Babao.