Usap-usapan ngayon ang Canadian pop singer na si Shawn Mendes at American singer-aktres na si Sabrina Carpenter matapos makitang magkasama ang dalawa sa West Hollywood na lalong nagpaintriga sa mga fans kung sila nasa 'dating' stage na.

Ayon sa celebrity gossip account na "DeuxMoi" na ayon daw umano sa isang source, noong kalagitnaan pa ng Pebrero ay nakita ang dalawa na kumakain sa Horses sa Los Angeles at ayon pa dito ay, “clearly [on] a date,” at “verrrry comfortable,” na ang dalawa sa isa't isa.

Sa ngayon ay wala pang tugon sa kanilang panig sa kung anong namamagitan sa dalawa. Matatandaang huling isinapubliko ng Canadian singer ang kaniyang love life noon kay Camila Cabello, ngunit naghiwalay din sila noong 2021 pagkatapos ng mahigit dalawang taon na pagsasama.

At dati nang na-link si Shawn sa kaniyang longtime chiropractor na si Dr. Jocelyn Miranda, 51, matapos silang makitang magkasama sa loob ng ilang buwan.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, na-link naman si Sabrina kina Dylan O’Brien at Joshua Bassett na binigyan espekulasyon ng fans na siya ang "blonde girl" sa hit na kanta ni Olivia Rodrigo na "Driver's License."