Isa sa mga kuwelang binalikan at napag-usapan nina King of Talk Boy Abunda at Binibining Pilipinas 2022 1st-runner up Herlene "Hipon Girl" Budol sa "Fast Talk with Boy Abunda" ay ang pagkakagusto noon ng dalaga sa kaniyang teacher.

Natawa naman si Herlene nang maalala ito at agad na nagbigay ng paalala sa mga bagets na puwedeng nanonood sa kaniya ng mga sandaling iyon.

"Bawal pong gayahin ng mga bagets, hayan…" sey ni Budol.

Nakuwento ni Herlene na muntikan na silang maging magkarelasyon ng kaniyang teacher na noon ay kasing-edad lamang niya, subalit napa-Guidance Office kasi siya kaya hindi na natuloy.

'Confirmed!' Herlene ''Hipon'' Budol, sasabak sa Miss Grand International pageant

Pero kung hindi raw siya napa-guidance, baka raw ay itinuloy nila. Kakaloka!

"Yung teacher ko na po 'yon, muntikan lang po… kasi na-guidance ho kasi ako, kung hindi ako na-guidance no'n, itutuloy namin 'yon," banat ni Herlene na ikinatawa ng lahat.

Halos dalawa hanggang tatlong taon lang daw kasi ang agwat ng kanilang edad ng mga panahong iyon.

Samantala, inamin naman ni Budol na balak niyang sumali sa Miss Grand International.