Iniutos ng Sandiganbayan nitong Miyerkules, Marso 1, na makulong ng hanggang 17 taon ang isang dating cashier ng National Food Authority (NFA) kaugnay ng nangyaring nakawan na ikinatangay ng₱10.105 milyong sa loob ng kanilang opisina sa Valenzuela noong 2008.

Bukod sa pagkakakulong, inatasan din ng 1st Division ng anti-graft court si Maria Theresa Gutierrez na bayaran ang nasabing salapi matapos mapatunayang nagkasala sa nasabing kaso.

Sa rekord ng kaso, ang insidente ay naganap saNFA North District Office (NDO) sa Valenzuela City noong Mayo 30, 2008.

Ang nasabing cash na koleksyon mula sa pinagbentahan ng NFA rice, licensing fee at iba pang transaksyon ng NFA, ay iniwan ni Gutierrez sa loob ng cabinet at hindi itinago sa vault na naglalaman lamang ng₱790,772.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi ginalaw ng mga magnanakaw ang vault nang pasukin nila ang naturang opisina, ayon sa korte.

Paliwanag ng hukuman, may pananagutan si Gutierrez sa tinangay na salapi dahil sa naging pabaya ito sa paghawak ng nasabing pondo.

Philippine News Agency