Dinakip ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang claimant ng isang package na may lamang ₱324,00 na halaga ng shabu na galing Estados Unidos sa ikinasang controlled delivery operation sa Masantol, Pampanga kamakailan.

Sa Facebook post ng BOC, hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng inarestong tumanggap ng package.

Nadiskubre ng BOC ang illegal drugs sa routine examination sa naturang bagaheng galing sa California, USA at idineklara bilang mga litrato nitong Pebrero 21.

Matapos makumpirmang iligal na droga ang laman ng bagahe, nagkasa kaagad ng operasyon ang BOC at PDEA na ikinaaresto ng suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar