Nasa ₱10 bilyong halaga ng mga pekeng branded na produkto ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang pagsalakay sa isang storage facility sa Binondo, Maynila nitong Martes.

Ipinatupad ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ang operasyon matapos makumpirma ang natanggap na intelligence report hinggil sa nakatagong mga pekeng produkto sa lugar.

“Upon inspection of the warehouse, the team found imported assorted clothing apparel, shoes, general merchandise, kitchenware, electronics, and beauty products,” ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio.

“These counterfeit items infringe trademarks, such as Nike, Coach, Adidas, Guess, Louis Vuitton, Dior, and Gucci, among others,” paliwanag ng opisyal.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Matatandaang aabot sa₱1.5 bilyong halaga ng mga peke ring produkto ang nasabat ng BOC sa Pasay City nitong nakaraang Pebrero 17.

Aaron Recuenco