Inedit na ng award-winning actor na si John Arcilla ang kaniyang Instagram post na nagpapasalamat sa mga tao at institusyong nakatulong sa kaniya upang magawaran ng iba't ibang parangal, local man o international, na naging dahilan upang kilalanin siya ng senador sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Matatandaang noong Setyembre 2021 ay nagawaran ng Volpi Cup si John dahil sa kaniyang pagganap sa naturang pelikula, sa 78th Venice Film Festival.

Sa pamamagitan ng pagsulong ni Senador Lito Lapid, ginawaran ng pagkilala si Arcilla at iba pang Pinoy artists na kinilala sa ibang bansa sa pamamagitan ng Senate Resolution 490.

Direk Erik Matti, inisnab; tinawag na 'bastos' si John Arcilla, Star Magic

Pumalag naman dito ang direktor ng pelikulang "On the Job: The Missing 8" na si Direk Erik Matti.

Ang concern ni Mati, hindi man lamang daw nabanggit sa social media posts ni John maging ng Star Magic ang pelikula man lamang na nagpapanalo sa aktor sa nabanggit na prestihiyosong international festival.

Kaya naman binuweltahan niya ang aktor pati na ang talent arm management ng Kapamilya Network.

“Ano kayang movie nakapanalo kay @johnarcilla ng Volpi cup? Ni hindi man lang nila ma-mention ni @starmagicphils yung movie na nagbigay sa kanya ng parangal?," ayon sa IG post ng direktor.

Nagpasaring pa si Mati na eversince daw ay ganoon na ang ABS-CBN kahit may prangkisa pa ito.

“Medyo in-expect ko na yun sa Abs na di mag-mention kasi nung may prangkisa pa sila ganun na sila e. Pag di pabor sa kanila, dedma. Pero yung mismong artista ng pelikula di man lang ma-mention ang movie?"

“Pwera na kaming mga gumawa, ok lang di masabi pero sana yung movie man lang i-acknowledge. Ang Senado nga ni-recognize mismong movie na pinanalunan mo pero ikaw di mo ma-mention?"

“Ako na magsasabi, 'Salamat sa On The Job: The Missing 8 na movie na binigyan ako ng pagkakataon magawa ang role ni Sisoy Salas na ikinapanalo ko ng Venice Film Festival Volpi Cup award nung 2022.'"

"Lahat ng sponsor mo sa derma at diet mo minention mo yung movieng nagpanalo sa’yo di mo masabi?!!"

"Bastos kayo!”

Mukhang nakarating na sa kaalaman ni John Arcilla at Star Magic ang naging pasaring ni Mati kaya inedit na nila ang kanilang captions sa congratulatory posts sa Instagram.

Makikitang sa dulo ng IG post ay binanggit na ni John ang pangalan ng pelikula pati na sa direktor.

"On Feb 22, 2023 The Senate of the Philippines made a Resolution for yours truly about the works I have done on performing Arts and Film and specifically from the Accolades received by Our Film On the Job directed by Erik Matti and Produced by Reality Studios of Dondon Monteverde."

"The resolution No. 490 was Adopted by all the Senators and amended Officially as Resolution No 43. It is such an Honor to be recognized by Award giving bodies in our country most specially by Global Award giving bodies. But the Honor given by a Legislation in one’s Country is another thing."

"Thank you so much tito Sen @senlitolapid and to all the senators who co-sponsored, co-authored and adopted the resolution for yours truly for our Film OTJ2 The Missing 8. Congratulations to our team, every time the 78th Venice and Volpi Cup is being mentioned I always feel that it is all of us in the team that is being recognized, not just me, so today I would like to congratulate the whole team of OTJ2 The Missing 8, Erik Matti, Don Monteverde and everyone from Reality Studio. God bless everyone and God bless our Country! Mabuhay!," aniya.

Dahil dito ay "nakatikim" si John ng matatalim na salita at payo mula sa ilang netizens.

"May point naman po si direk. Give credits as a show of respect."

"Kung di ka pa na call- out! 🤢😬🙄 nakakahiya at nakakalungkot na you didn't mention the film and director who made it possible for you!"

"Next time, give credits if the credit is due."

Hindi naman malinaw kung sadya ba o talagang nakalimutan lang ni John banggitin ang pelikula o ang pangalan ng direktor.