'Floating amongst the stars'

Animo'y bituing nagniningning ang Kapuso star na si Jillian Ward sa kaniyang debut party na ginanap sa Okada Manila.

Ipinagdiwang ni Jillian ang kaniyang 18th birthday na galaxy-themed. Ang kaniyang kasuotan ay mula sa Filipino fashion designer na si Mak Tumang, ang world class fashion designer na lumikha ng Mayon gown at Ibong Adarna gown na isinuot ni Catriona Gray kung saan nanalo siya sa Miss Universe 2018 beauty pageant.

Sa Instagram ni Jillian, ipinasilip nito sa publiko ang ilang behind-the-scenes na mga kuha mula sa kanyang pre-debut shoot.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, dinaluhan naman ng Kapuso stars ang debut ni Jillian. Ilan sa mga ito ay sina Sanya Lopez, Ken Chan, Zephanie Dimaranan, Althea Ablan, at Yasmien Kurdi.

Dumalo rin sa selebrasyon ang iba't ibang bigating tao ng GMA at talent agency na Sparkle.