Muli na namang kinaaliwan ng mga netizen ang bagong photo ng "Girl on Fire" judge at Kapamilya actress na si Chie Filomeno dahil pak na pak sa ka-freshan ang kaniyang fez dito.

Kitang-kita kasi na kahit passport size ang kaniyang litrato ay fresh na fresh pa rin ang kaniyang mukha. Ibinahagi niya ang kopya nito sa Twitter. Mukhang nagpakuha si Chie sa isang photo studio.

Passport photo ni Chie Filomeno, viral! Netizens, napa-sana all

https://twitter.com/ChieFilomeno/status/1628909854420250624

Matatandaang naging usap-usapan na noon ang ID pics ni Chie sa kaniyang driver's license at passport dahil mukha raw itong may make-up, gayong bawal ito.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, hindi inaasahan ni Chie na magba-viral ang kaniyang mga litrato.

Sa kaniyang TikTok, tinuruan pa ni Chie ang mga netizen kung paano ang tamang pagme-make up upang hindi mahalatang may suot nito kapag magpapakuha ng litrato para sa IDs.