Tila nagdamdam ang batikang direktor na si Erik Matti sa award-winning actor na si John Arcilla gayundin sa talent-arm management na humahawak sa career nito ngayon, ang "Star Magic" ng ABS-CBN, matapos umanong isnabin siya sa acknowledgement o pasasalamat sa pagkilala ng senado sa karangalang natanggap nito mula sa ibang bansa, dahil sa mahusay na pagganap sa pelikulang "On the Job: The Missing 8."

Matatandaang noong Setyembre 2021 ay nagawaran ng Volpi Cup si John dahil sa kaniyang pagganap sa naturang pelikula, sa 78th Venice Film Festival.

Sa pamamagitan ng pagsulong ni Senador Lito Lapid, ginawaran ng pagkilala si Arcilla at iba pang Pinoy artists na kinilala sa ibang bansa sa pamamagitan ng Senate Resolution 490.

Ang concern ni Mati, hindi man lamang nabanggit sa social media posts ni John maging ng Star Magic ang pelikula man lamang na nagpapanalo sa aktor sa nabanggit na prestihiyosong international festival.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Ano kayang movie nakapanalo kay @johnarcilla ng Volpi cup? Ni hindi man lang nila ma-mention ni @starmagicphils yung movie na nagbigay sa kanya ng parangal?," ayon sa IG post ng direktor.

Nagpasaring pa si Mati na eversince daw ay ganoon na ang ABS-CBN kahit may prangkisa pa ito.

“Medyo in-expect ko na yun sa Abs na di mag-mention kasi nung may prangkisa pa sila ganun na sila e. Pag di pabor sa kanila, dedma. Pero yung mismong artista ng pelikula di man lang ma-mention ang movie?"

“Pwera na kaming mga gumawa, ok lang di masabi pero sana yung movie man lang i-acknowledge. Ang Senado nga ni-recognize mismong movie na pinanalunan mo pero ikaw di mo ma-mention?"

“Ako na magsasabi, 'Salamat sa On The Job: The Missing 8 na movie na binigyan ako ng pagkakataon magawa ang role ni Sisoy Salas na ikinapanalo ko ng Venice Film Festival Volpi Cup award nung 2022.'"

"Lahat ng sponsor mo sa derma at diet mo minention mo yung movieng nagpanalo sa’yo di mo masabi?!!"

"Bastos kayo!”

Mukhang nakarating na sa kaalaman ni John Arcilla at Star Magic ang naging pasaring ni Mati kaya inedit na nila ang kanilang captions sa congratulatory posts sa Instagram.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Arcilla o maging ang Star Magic patungkol dito.