"Hello 38! Feeling extra loved." Ganiyan sinalubong ni Kapuso singer-songwriter Aicelle Santos ang kaniyang ika-38 na kaarawan.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat ang singer na mga bumati sa kaniyang kaarawan kahapon Pebrero 24.

Sinopresa rin si Aicelle nga kaniyang mahal sa buhay.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Biyaya. Salamat Panginoon. Sinorpresa ng asawa, pamilya at mga kaibigan kahapon ang nanay na ito, na bitbit ang lahat ng pwedeng bitbitin!" caption ni Aicelle kalakip ang isang video ng pagsopresa sa kaniya.

"Overwhelmed pa rin hanggang ngayon. Nag-uumapaw ang pasasalamat. Mahal ko kayo!"

Iba't ibang personalidad din ang bumati sa singer kabilang sina Rita Daniela, Winwyn Marquez, Barbie Forteza, Gab Pangilinan, Jessica Villarubin, at Lani Misalucha.