Hindi umubra ang NLEX Road Warriors sa lakas ng Meralco, 114-98, sa pagpapatuloy ng PBA Governors' Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Huwebes ng gabi.
Naging solido ang performance ni Meralco import KJ McDaniels sa kinolektang 31 points at 20 rebounds.
Sumuporta rin sa kanya si Allein Maliksi sa naipreserbang 19 points, habang kumana naman ng 18 markers si Chris Newsome.
Ito na ang ikaapat na panalo ng Bolts sa pitong laro.
Nakuha ng Meralco ang bentaheng 21 puntos sa second quarter. Gayunman, dumikit ang Road Warriors, 90-85.
Dahil dito, rumatsada sina McDaniels at Maliksi hanggang sa makuha ang panalo.
Nagtala naman ng 29 points si NLEX import Wayne Selden, bukod pa ang rebounds at pitong assists.