Labing-siyam na taong gulang pa lamang ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes subalit CEO na siya ng sariling negosyong cosmetic brands.

Ayon sa panayam ng showbiz reporter na si MJ Marfori kay Blythe, sadyang "matigas ang ulo" niya lalo't alam niyang para naman sa ikabubuti ng kaniyang sarili, at wala naman siyang tinatapakang ibang tao.

"Matigas ulo ko eh… Hindi ako tumitigil, kapag may gusto akong mga bagay, gagawin ko talaga ang lahat para magawa iyon," sagot ng aktres tungkol sa pagtatamo niya ng achievements niya sa buhay.

"Matapang ako eh. Wala akong care. Basta wala akong nasasaktan, wala akong naaapakan, alam kong tama yung paggawa ko sa trabaho, go lang ako nang go," dagdag pa ni Andrea.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ngayon ay wala pang nababalitang susunod na proyekto ni Andrea dahil pinabulaanan niyang siya ang gaganap na "Dyesebel" sa panibagong remake nito, na nauna nang ginawa ni Anne Curtis para sa ABS-CBN.