Matapos ang pasabog na rebelasyon ng kaniyang engagement noong Araw ng mga Puso, ibinida ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo ang kaniyang engagement ring mula sa fiancé niyang si Scott Moore.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng beauty queen at TV host kung gaano kabongga ang kaniyang singsing sa isang photoshoot.

"Turn the page. Start a new chapter,” lahad ni Samantha sa kaniyang caption with matching ring at infinity symbol pa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Napuno naman ng pagbati mula sa mga kapwa niya beauty queens at kaibigan sa industriya ang comments section ng kaniyang Instagram post, kabilang na ang mismong post ni Samantha noong Valentine’s Day, na siyang anunsyo ng kaniyang engagement.

"My ride or die and forever Valentine. We're officially engaged. I can't believe!," aniya.

Isa si Samantha sa humahabang listahan ng mga beauty queens na nalalapit nang humarap sa altar. Nauna nang mag-anunsyo sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray ng kanilang engagement sa kani-kanilang fiancés.

Sa ngayon ay wala pang detalyeng inilalabas ang engaged couple tungkol sa kasal nila ni Scott.