Isasagawa ng National Telecommunications Commission (NTC) at Philippine Statistics Authority (PSA) ang magkasabay na caravan sa subscriber identity module (SIM) at National ID registration upang maihatid sa mga nakatira sa geographically-isolated at disadvantaged areas (GIDA) sa bansa.

Patuloy din ang pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga lokal na pamahalaan para sa kampanya ng SIM registration na tatagal lamang hanggang Abril 26, 2023.

"Tuloy-tuloy po ang assisted registration sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil ang hangarin natin ay maabot ang mga kababayan natin lalo na yung nasa GIDA sites,” pahayag ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo sa Laging Handa briefing nitong Martes.

Sa ngayon, nasa 34,851,023 SIM card na ang nairehistro sa buong bansa, 20.62 porsyento ng 168,977,773 total active SIMs, ayon naman sa NTC.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar