Sumurender sa pulisya at militar ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kamakailan.

Paliwanag ni Police Regional Office for the Soccsksargen Region (PRO-12) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, ang pagsuko ng limang bandido ay kasunod na rin ng ilang linggong negosasyon sa kanila ng Sultan Kudarat Police at 1st Mechanized Infantry Brigade ng Philippine Army (PA).

Kabilang sa nagbalik-loob sa pamahalaan sina Montasir Bamigan, 23; Alimuden Ali, 51; Jerry Kamid, 25; Bimbo Utto, 22; Benladin Balayman, 22, pawang kaanib ng BIFF Kagui Karialan faction sa Maguindanao.

Isinuko rin ng mga bandido ang isang M79 grenade launcher, isang homemade Uzi machine pistol, improvised explosive devices, at mga ammunition.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinasailalim pa aniya sa debriefing sa Sultan Kudarat police provincial headquarters ang mga ito.

Philippine News Agency