May 22, 2026

Home BALITA

‘Extreme temperature’ na papalo umano sa 45-55 degrees, ‘di totoo—PAGASA

‘Extreme temperature’ na papalo umano sa 45-55 degrees, ‘di totoo—PAGASA
Photo courtesy: MB


Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko kaugnay sa umano’y maling impormasyong kumakalat patungkol sa temperatura.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng PAGASA noong Miyerkules, Abril 22, nagpaalala silang huwag agad-agad na maniwala sa mga impormasyong gaya nito, at patuloy na maging alerto ukol dito.

“Pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa extreme temperature,” saad ng PAGASA sa kanilang post.

“Nililinaw na walang inilabas ang ahensya na ‘Emergency Heat Alert’ na aabot diumano sa 45-55 degree celsius para sa April 19 hanggang May 31,” dagdag pa nila.

Inirekomenda naman ng ahensya na bisitahin na lamang ang opisyal na social media pages ng PAGASA para sa tama, opisyal, at napapanahong impormasyon ukol sa usaping panahon.

Photo courtesy: DOST-PAGASA/FB

Sa kaugnay na ulat, matatandaang isiniwalat ng PAGASA noon ding Miyerkules, Abril 22, na aabot sa 79% ang tsansa na magkakaroon ng “El Niño” sa bansa sa darating na Hunyo-Agosto 2026.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'