Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Pebrero 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 3:19 ng hapon.

Namataan ang epicenter ng lindol 345 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 140 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks nito.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Wala rin umanong inaasahang magiging pinsala ang nasabing pagyanig.