Naitala ng pamahalaang Lungsod ng Navotas ang zero na aktibong kaso ng Covid-19 sa lungsod noong Huwebes, Pebrero 16, matapos ang paggaling at paglabas ng huling dalawang pasyente mula sa isolation sa parehong araw.

“Simula noong February 11, wala kaming naitalang bagong kaso ng sakit. Utang namin ang tagumpay na ito sa aming mga frontliners at sa lahat ng miyembro ng COVID-19 response team ng lungsod,” sabi ni Navotas City Mayor John Reynald “John Rey” Tiangco.

Pinasalamatan ng alkalde ang mga residente ng lungsod na, sa kanilang mga simpleng paraan, ay tumulong sa pagpigil sa pagkalat ng Covid-19.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang Navotas ang huling lungsod sa Metro Manila na nag-ulat ng lokal na hawaan ng virus nang maitala nito ang unang kaso ng Covid-19 noong Marso 28, 2020.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Nitong Huwebes, nakapagtala ang pamahalaang lungsod ng kabuuang 22,273 Covid-19 active cases na may 729 na namatay at 21,544 ang nakarekober.

Samantala, patuloy pa rin ang pagbabakuna sa Covid-19 para sa mga residente sa iba't ibang inoculation sites sa lungsod.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na mayroon nang 223,358 indibidwal na nakatanggap ng kanilang pangalawang dosis ng bakuna laban sa Covid-19 (223,336 na may inisyal o unang dosis) noong Miyerkules, Peb. 15.

Mayroon ding 77, 525 na indibidwal ang na-administer gamit ang kanilang Covid-19 first booster habang 17,739 ang nakakuha ng kanilang pangalawang booster jab.

“Habang masaya kami na COVID-free na ang Navotas, nananatili kaming mapagbantay. Hindi pa tapos ang laban natin. Gawin natin ang ating makakaya upang maiwasan ang anumang kaso ng COVID sa ating komunidad,” ani Tiangco.

Aaron Homer Dioquino