Top trending topic ngayon ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu matapos ang pahayag nito patungkol sa stage set up ng segment na “Girl on Fire” para sa finale nito.
Nakamamangha ang nasabing set up kung saan kaniya-kaniyang awra at nagmistulang mga manika sa kahon ang mga grand finalists na siyang pinuri naman ni Vice Ganda.
“Nakatitig ako sa monitor, sabi ko ‘Ang bongga ng mga girls’” sey ni Vice Ganda.
“Ang ganda! May napanood akong ganito yung show ni Shakira sa ibang bansa ganito ‘yun,” sagot naman ni Kim.
Tila naloka naman si Vice at hindi nagustuhan ang pahayag na ito ni Kim at sinabing binuking nito ang paandar ng programa.
“Ikaw naman binuking mo agad na hindi natin original itong idea… so napanood mo na pala ‘to?,” aniya.
Kumabig naman agad si Kim at sinabing kahit wala silang prangkisa ang ganda ng finale ng nasabing segment.
Dinipensahan naman ng netizens si Kim at sinabing wala namang masamang intensiyon ang pagpuri nito sa “slaydium.”
Narito pa ang ilang mga reaksyon:
“Kim Chiu was complimenting the prod by comparing it to Shakira, she was even CLAPPING. It’s not like she sounded unimpressed or mocking the girls/prod. Ang ibig niyang sabihin “levelling” kay Shakira. But of course it will be misinterpreted”
“Wala naman mali sa sinabi ni Kim Chiu, she compared pa nga to Shakira’s concert nothing wrong with that, Shakira is a huge international name vs Showtime’s stage so anong masama don? #GirlOnFireTheBlazingFinale”
Sa isang tweet naman iginiit ni Kim na proud lang siya na kayang makipag-sabayan ng “Showtime” sa international stage.
Sa huli, itinanghal si Mary Delle Cascabel na grand winner ng “Girl on Fire.”