Pasabog ang naging production number ng Asia’s Sweetheart na si Anne Curtis para sa kaniyang ika-38 na kaarawan, Biyernes, Pebrero 17.

Suot ang yellow green na feathered dress, live na bumirit at humataw si Anne sa mga awitin ng international popstar na si Britney Spears na siyang kinagiliwan ng madlang pipol.

Eleksyon

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025

https://twitter.com/itsshowtimena/status/1626450720265474049?s=46&t=e48ZQLKo8g_6120ZvcmzFw

Nagpasalamat si Anne sa kanyang “Showtime” family at ibinahagi na masaya siya na parte ito ng kaniyang buhay.

“I’m so happy to have you guys in my life, and I mean that,” aniya.

Nang tanungin naman ang “Dyosa” kung ano ang birthday wish nito, sinabi nito na naisa lang niya maging healthy at maging masaya.

“Ang birthday wish ko lang talaga is for my whole family to stay healthy and happy. Simple lang, ‘yun lang ‘yung hiling ko talaga, and sana matapos ko ‘yung marathon ko,” lahad ni Anne.

“And when it comes to my Showtime family, many more years for us to celebrate birthdays together, and to continue making our madlang pipol happy,” dagdag pa niya.

Kaniya-kaniya namang pagbati ang mga co-hosts ni Anne sa noontime show at naging emosyonal sa mensahe ng kanyang “sisteret” na si Vice Ganda na sumentro ang birthday wish para sa kaligayahan ng mga tao sa paligid ni Anne, dahil kapag maayos ang kaniyang pamilya, masaya rin umano at panatag si Anne.

Samantala, top trending topic sa Twitter ang opisyal na hashtag para sa kaarawan ni Anne kasabay ng pagbati ng netizens para sa kaniya.

Trending screenshot from Twitter