Bagama’t late na ay sweet na sweet pa rin ang Valentine's message ng aktor na si Jeric Gonzales para kay Miss Universe Philippines 2020 at aktres na si Rabiya Mateo, sa gitna ng mga usap-usapan na nagkabalikan na sila.

Sa isang Instagram post, sunud-sunod na ibinahagi ni Jeric ang mga larawan nila ni Rabiya.

“Hindi pa siguro late para bumati? Happy valentines my love @rabiyamateo I will and always love you!,” sey ni Jeric sa kanyang caption.

Tumugon naman si Rabiya sa comments section, “I love you @jericgonzales07. Blessed to spend 2 Valentine’s dates with you,” with matching red heart emojis pa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang Hunyo noong nakaraang taon umugong ang mga usapan na hiwalay na ang dalawa matapos i-unfollow nito ang isa’t-isa sa Instagram.

Samantala, sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, napag-usapan ang mga espekulasyon patungkol sa pagbabalikan nila ni Rabiya, at sinabi ni Jeric nasa proseso na sila at “getting there” naman na raw sila doon.

Unang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong Marso 2022 at kahit naghiwalay sila dahil sa isang hindi pagkakaunawaan ay naghiwalay naman umano sila nang maayos.