Binatikos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China matapos itanggi na tinutukan ng laser ng Chinese Coast Guard (CCG) ang tropa ng gobyerno sa Ayungin Shoal kamakailan.

Binira rin niPCG adviser of the Commandant for maritime security,Commodore Jay Tarriela, ang pahayag ng Chinese ForeignMinistry na gumamit lamang ng "hand-heldequipment" ang CCG upang masukat ang distansya nila sa barko ng PCG nitong Pebrero 6.

"It's important to note that their vessels already have radars. Why would you do that, right? Why would you point those lasers to the crew of the Coast Guard (PCG) vessel?" pagdidiin ni Tarriela sa isang television interview nitong Huwebes.

Ang naging pahayag aniya ng mga sundalong sakay ng BRP Malapascua na nakaranas sila ng pansamantalang pagkabulag matapos tamaan ng laser mula sa barko ng CCG ay nagpapatunay lamang na "hindi gumagawa ng kuwento" ang mga ito.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Hindi rin aniya tama na basta na lamang tanggapin ang nasabing pahayag ng Chinese government kaugnay sa insidente na nangyari sa Ayungin Shoal nitong Pebrero 6.