Inilabas ng Social Weather Station (SWS) na tinatayang 75% umano ng mga Pinoy na nasa tamang edad ang nasisiyahan sa performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Lumabas din umano na nasa 7% ang hindi nasisiyahan sa performance ng pangulo habang 18% ang “undecided”.

Sinabi naman ng Pangulo nitong Miyerkules, Pebrero 15, na "encouraging" ang latest satisfaction rating sa kaniya.

“I don’t really look at surveys kasi… But it’s always encouraging to know that naunawaan ng tao yung aming ginagawa. So we will just keep going and keep everybody informed kung ano yung aming ginagawa," aniya.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Ang nasabing datos ay resulta umano ng isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas.

“The resulting net satisfaction rating is +68 (% satisfied minus % dissatisfied), classified by SWS as very good. This is 5 points up from the very good +63 in October 2022,” pahayag ng SWS.

Lumabas din umano sa survey na “excellent” ang naging rating ng kalalakihan sa performance ni Marcos, habang “very good” naman daw ang rating sa kaniya ng kababaihan.

“Excellent” din umano ang performance ng pangulo para sa mga Pinoy na mga edad 25-44, habang “very good” siya para sa mga may edad 18-24 maging sa mga nasa 45-anyos pataas.

“Excellent” naman daw si Marcos pagdating sa mga Pinoy na non-elementary graduates at Junior High School graduates, habang “very good” naman umano ang performance rating sa kaniya ng mga elementary graduates at college graduates.

Ayon sa SWS, maka-classify ang may +70 o mahigit pang net satisfaction ratings bilang “excellent”; +50 hanggang +69 bilang “very good;” +30 hanggang +49 bilang “good”; +10 hanggang +29 bilang “moderate”.

Maka-classify naman ang may net satisfaction ratings na +9 hanggang -9 bilang “neutral”; -10 hanggang -29 bilang “poor”; -30 hanggang -49 bilang “bad”; -50 hanggang -69 bilang “very bad”; at -70 pababa naman bilang “execrable.”