Pinadapa ng Magnolia Hotshots ang Ginebra San Miguel, 118-88, sa PBA Governors' Cup sa Mall of Asia Arena nitong Linggo ng gabi. 

Walang nagawa ang Gin Kings nang tambakan ito ng 30 ng Hotshots kaya naputol na ang 3-0 na winning streak nito.

Kumolekta ng 28 puntos, 18 rebounds at siyam na assists si Magnolia import Antonio Hester.

Sa second quarter, pinamunuan ni Hester ang 36 puntos na ratsada laban sa Gin Kings kaya hindi na nakahabol ng huli hanggang sa final canto.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Sa panig ng Ginebra, nakaipon lamang si Justin Brownlee ng 22 puntos, 19 naman kay Scottie Thompson at 17 kay Christian Standhardinger.