“Handa ka na bang maging THIRD WHEEL this coming Valentine’s day?”

Magkakaroon umano ng special promo na free unli samgyupsal ang isang restaurant sa Agoncillo, Batangas, sa araw ng mga puso.

Ang catch?

Kailangang mag-kiss ang mag-partner sa counter habang nakaharap ang kanilang third wheel!

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa Facebook post ng Osamgyup, nilinaw naman nila na #SMACKONLY ang pagki-kiss ng magkasintahan sa harap ng kanilang counter. Ang mahalaga raw, nakaharap dito ang kanilang third wheel.

“Presenting our KISS ON THE SPOT and GET FREE UNLIMITED SAMGYUP,” caption ng samgyup resto. “Kiss your partner on the spot at the counter along with your THIRDWHEEL to get FREE UNLIMITED SAMGYUP 🫰🏻#SMACKONLY

Hirit pa ng kanilang post: “Nakakiss kana nabusog ka pa.”

Ang nasabing promo ay exclusive daw sa kanilang samgyup na nagkakahalaga ng ₱249, ₱289. ₱299, at ₱389.

Matatagpuan daw ang naturang samgyupsal sa Brgy. Bangin, Agoncillo, Batangas.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!