Nakatikim na rin ng unang panalo ang Rain or Shine (ROS) matapos patumbahin ang Blackwater, 122-117, sa PBA Governors' Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Linggo.

Kumubra ng 38 points, anim na rebounds, at limang assists ang bagong import ng Elasto Painters na si Greg Smith II.

Si Smith ang pumalit kayMichael Qualls na dinispatsa ng Rain or Shine dahil sa malamyang kampanya nito.

"To be honest I was kinda worried because he came from a long flight, hasn't really been competing the last few months, actually. So I know he's not in a hundred percent shape," pahayag naman ni ROS head coach Yeng Guiao.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Gayunman, binura ni Smith ang pagdududa ni Guiao dahil sa solidong performance nito.

Nasayang ang 40 points ni Bossing import Troy Williams sa pagkatalo ng kanyang koponan.

Taglay na ng ROS ang 1-4, panalo at talo.