Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano ng gobyerno na lumikha ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, makikinabang sa kasunduan ang kanilang hanay.

Sakaling matuloy, magsasagawa ng pagsasanay ang mga sundalo ng Pilipinas at Japan, katulad sa VFA ng bansa sa Estados Unidos.

Nauna nang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na tinalakay ang usapin matapos bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Japan kamakailan.

National

Asawa ni Harry Roque, nakaalis na ng bansa noon pang Setyembre – BI

Isinusulong ang kasunduan alinsunod na rin sa foreign policy ni Marcos na kaibiganin ang lahat, kahit pa kaaway.

Ang nasabing hakbang ng pamahalaan ay kasunod na rin ng pahayag ni Marcos na pinag-aaralan na nilanglumikha ng tripartite agreement, kasama ang US at Japan upang lalong tumibay ang alyansa ng mga ito.