Muli kaya nating makikita si Michelle Dee sa Miss Universe Philippines 2023?

Mukhang hindi matatapos ang beauty pageant journey ni Miss World Philippines 2019 Michelle Dee sa pagiging Miss Universe Philippines Tourism 2022 dahil hindi niya isinasara ang kaniyang sarili sa mga oportunidad sa mundo ng pageantry.

Sa interbyu ng GMA 7, tapatang sinagot ni Dee ang tanong kung sasali pa nga ba siya sa mga pageant competitions sa Pilipinas.

"#deepatapos" naman ang naging tugon nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Ever since my pageant journey, actually ‘yung hashtag ko has always started with #deepatapos. Kaya naging #deepatapos, sinarado ko roon because I think I wanted to portray a lot of different things," anang beauty queen.

"One is, my desire to join if I can. And two, I wanted to use it to do some good sana also because umingay siya,” dagdag pa nito.

Naniniwala naman si Dee na ang pageantry ay dapat na ginagamit bilang isang plataporma para sa mga adbokasiya ng mga kababaihan.

Ani Dee, "And for me I’ve always wanted to use it for positivity."

“Alam ko na ‘yung kasunod na question diyan is if sasali na ako. The answer is, if I want to, yes. Can I? We’ll see,” pagbubuking ng beauty queen.

Samantala, pinalawig pa ang deadline ng aplikasyon para sa Miss Universe Philippines 2023.

BASAHIN: Deadline ng application para sa MUPH 2023, extended

Ito ay inanunsyo ng Miss Universe Philippines sa social media pages, at sinabi na tumatanggap sila ng mga aplikasyon hanggang February 14.