Ikinatuwa ng netizens ang Twitter interaction ng online sensation na si Sassa Gurl at Kapuso actress na si Kyline Alcantara, Biyernes ng gabi, Pebrero 10.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Sassa ang larawan niya na tila peg si Kyline.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/itssassagurl/status/1624013296578998275?s=46&t=NFX0_GIRZY13k_AroAz6BA

Agad namang nag-react si Kyline dito at sinabing mas maganda si Sassa sa kanya.

“Mas maganda ka sakin nooo!!!,” aniya.

Kuwelang sumagot naman si Sassa dito ng “Labyuuuu kambal hahaha."

Nang hingan ng reaksiyon ng Balita si Sassa patungkol sa palitan nila ng tweets ni Kyline, pabirong sinabi nito na napatunayan umano niya na malinaw ang mata ng young actress.

“Well, love ko si Kyline. Feel ko isa siya sa mga humble na artista. Sana magka-work kami in the future,” dagdag pa niya.

Kaliwa’t kanan ang “babaihan” photoshoots ni Sassa matapos maging markado sa drag scene ang pagiging bahagi niya ng “Drag Den Philippines” kung saan nag-ala co-host ito kasabay ng walang katapusang “dog show” sa contestants.

Eksklusibong ibinahagi rin ni Sassa na may season 2 ang “Drag Den” at magsisimula na raw silang mag-shoot para dito at may bagong “tigas-ulo moment” din umano siya sa paglabas ng bago niyang “maasim music.”

Sa ngayon ay mayroon ng higit kalahating milyong views ang palitan nina Sassa at Kyline ng tweets.