Iuuwi sa bansa ang labi ng isa sa dalawang overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa7.8-magnitude na pagyanig sa Turkey nitong Pebrero 6.

“As requested by the daughter and with the consent of the husband, the Embassy is arranging the immediate repatriation of the body of Wilma Abulad Tezcan,” pahayag ng Philippine Embassy sa Ankara nitong Sabado.

Gayunman, hindi pa isinapubliko ang pagkakakilanlan ng ikalawang OFW na naiulat na nasawi rin sa pagyanig.

Si Tezcan ay nakapag-asawa ng Turkish at nagtatrabaho sa Istanbul bilang domestic helper.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Huli siyang umuwi sa Pilipinas nitong Disyembre at bumalik sa nasabing bansa nitong Enero 9.

Nitong Pebrero 10, nanawagan ang ama ni Tezcan na si William Abulad kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tulungan silang maiuwi sa bansa ang labi ng anak.

Sa huling tala ng mga awtoridad, mahigit na sa 24,000 ang nasawi sa pagyanig.

Philippine News Agency