Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang baybayin ng Balut Island sa Davao Occidental nitong Sabado ng hapon, Pebrero 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 4:55 ng hapon.

Namataan ang epicenter ng lindol 255 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 041 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershocks sa nangyaring magnitude 7 na lindol sa baybayin ng Davao Occidental noong Enero 18.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naramdaman ang Intensity II sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Naiulat naman ang Instrumental Intensity I sa T'Boli at Koronadal City, South Cotabato, maging sa Kiamba at Glan, Sarangani.

Wala namang nakikita ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Wala ring inaasahang pinsalang maidudulot ng nasabing pagyanig.