Makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon ngayong Biyernes, Pebrero 10, bunsod ng amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, magiging maulap na may pag-ulan sa Bicol Region at Quezon dulot ng amihan.

Posible ang pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar dahil sa mararanasang katamtaman at minsang malakas na pag-ulan dito.

Magkakaroon naman ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan at katamtamang pag-ulan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon dahil din sa amihan. Ngunit walang inaasahan ang Phivolcs na malaking epekto ang pag-ulan dito.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Samantala, magiging medyo maulap hanggang sa maulap na may kasamang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms sa Visayas, Mindanao, at Southern Palawan bunsod ng localized thunderstorms.

Maaaring makaranas ng pagbaha o kaya naman ay pagguho ng lupa ang mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malakas na thunderstorms.