Nakakumpiska ng ₱600,000 halaga ng puslit na sigarilyo ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Dipolog City sa Zamboanga del Norte nitong Huwebes.

Sa report ng PCG, siyam na kahong naglalaman ng 500 ream ng sigarilyo ang nabisto ng mga tauhan ng Coast Guard K9 Field Operating Unit Southwestern Mindanao, Coast Guard Sub-Station Dipolog, at Special Operations Unit-Dipolog sa Port of Dipolog nitong Pebrero 9.

Bago nadiskubre ang kargamento, napansin ng mga awtoridad ang isang kahina-hinalang sasakyan sa nasabing pantalan.

Kaagad na humingi ng tulong ang PCG sa Bureau of Customs, Philippine National Police-Maritime Group at sa pamunuan ng Port of Dipolog upang inspeksyunin ang kargamento.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kinumpiska kaagad ang mga sigarilyo matapos mabigong magharap ng dokumento ang driver ng sasakyan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at makasuhan ang mga sangkot sa sindikato.