May handog na 'kilig moments' ang Post Office “Singing Karteros” ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) upang sorpresang maghatid ng bulaklak, greeting cards at love letters sa Araw ng mga Puso.

Kaugnay nito, patuloy na nag-aanyaya ang PHLPost sa magkakapamilya, mga magkakaibigan at magsing-irog na subukan ang kakaibang “Valentine’s Day” gimik na ito upang ibalik ang kakaibang tradisyon ng mga Pilipino, ang “Harana."

Sa proyektong Express Pada-LOVE, ang kostumer ay maaari ring mag-preorder ng kanyang napiling ipadala sa “one-stop shop” na naka-istasyon sa lobby ng Manila Central Post Office kung saan makapapamili ng mga bulaklak, tsokolate, greeting cards, stuffed toys, at iba pang Valentine novelties sa abot-kayang halaga.

Ang espesyal na Valentine’s Day service ay available din sa Iloilo City {Area 6}, Cagayan De Oro City (Area 8) Tuguegarao City (Area 1),  Cebu City (Area 5) at Davao City (Area 7). Maaaring mag-order via online sa: https://www.facebook.com/profile.php?id=100088016513954, o tumawag sa Mobile No. 0927-2450837 o 8527-01-35 at Kay Ms. Liever Briones sa 0915-9418196.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Anang PHLPost, sa halagang P2,500 package, puwede nang mapakinggan ang mga awiting inihanda ng mga piling kartero ng PHLPost, kasama na ang mga bulaklak, greeting card at mail delivery sa kanilang napiling petsa ng pagpapadala.

Kasabay din nito ang paglulunsad ng 2023 Valentine’s Day “Pupusuan Kita”  Stamp  at greeting cards sa mala-romantikong Venice Grand Canal Megaworld Lifestyle Mall sa McKinley Taguig City ngayong Pebrero 10, ganap na alas-11:00 ng umaga sa Ponte Lobby ng naturang mall.