Humakot ng 57 puntos si Terrafirma Dyip import Jordan Williams na naging dahilan ng pagkatalo ng Blackwater Bossing, 119-106, sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Huwebes.
Tampok sa solidong performance ni Williams ang 22 puntos nito sa fourth period kung saan nakuha nila ang bentahe, 115-103.
Nagdagdag pa si Williams ng 11 rebounds, at limang assists.
Kumubra naman ng 27 puntos ang teammate ni Williams na si Juami Tiongson, bukod pa ang 17 puntos ni Eric Camson.
Sa unang bugso ng laban, umabante kaagad ng 16 puntos ang Dyip at nakontrol na rin nito ang laro hanggang sa final period.
Nawalan naman ng saysay ang 55 puntos ni Bossing import Troy Williams nang mabigong maipanalo ang laban.
Bumagsak na sa 2-2 record ang Dyip habang hawak naman ng Bossing ang 1-4, panalo at talo.