Mukhang handang-handa na si Andi Eigenmann sa pagsalubong ng summer season sa ibinahagi niyang mga larawan sa kaniyang Instagram. Hindi mo talaga aakalaing mommy na ito dahil sa pagiging physically fit. 

Inspiring ang nakalakip na caption sa kaniyang mga pictures na may temang pagbalanse para sa kalusugan. Sey niya, “Enjoying the journey towards wellness, keeping in mind that a healthy self is all about balance. I'm happy to make it a duty to care for my body because as I grow older, I've found that when I take good care of my physical health (inside and out), it spills over into other aspects of my being that are, in hindsight, more of a priority to me.”

Nagbigay naman si Andi ng tip sa mga netizens para mapanatili ang pangangatawan kagaya nang sa kaniya ngayon na ipini-flex niya sa kaniyang socmed.

“A good TIP to begin: keep a good mindset and lay-out your priorities to allow yourself to stay in this for the long run. Jumping into things can often lead to exhaustion early on," aniya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Hope you will be inspired to join me in this too!”

For the record tatlo na ang anak ni Andi: Si Ellie na anak niya sa dati niyang karelasyon na si Jake Ejercito at sina Koa at Lilo sa partner niyang si Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Kita naman sa awra ni Andi na enjoy na enjoy nilang pamilya ang simpleng pamumuhay sa Siargao Island. Hindi rin maikakaila ang pagkahilig ng anak ni Jaclyn Jose sa dagat dahil kita naman sa mga ipinopost niya sa kaniyang Instagram.

Bukod sa mga followers at kamag-anak na manghang mangha kay Andi, napa-wow din pati mga celebrities sa ipinamalas na fitspiration nito. Kagaya na lang nila Anne Curtis, Bea Alonzo, Jessy Mendiola, Janine Gutierrez, Carmi Martin at Andi Manzano.