Inanunsyo ng Office for Transportation Security (OTS) nitong Lunes, na iniimbestigahan na nila ang ginawang security screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng babaeng security personnel sa K-pop group na ENHYPEN.

Ito ay matapos mag-viral ang isang video sa social media na nagpapakita ng ‘pagngisi’ umano ng naturang security personnel habang tila kinakapkapan ang ilang miyembro K-pop group.

Basahin: ‘Very unprofessional!’ Staff ng NAIA, trending dahil sa ginawang security screening sa K-pop group ENHYPEN

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng OTS na inaalam na nila ang nangyari upang matukoy kung mayroon itong naging paglabag batay sa kanilang panuntunan at security screening protocols.

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

Ipapataw naman daw nila ang karampatang parusa sa makikitang nilabag ng naturang security personnel.

“While we understand the excitement brought about by the presence of these Korean artists, we remind not only our personnel, but all airport users, that unauthorized filming at our security screening checkpoints is not allowed as a matter of policy,” pahayag ng OTS.

“Rest assured that the OTS shall never tolerate any unprofessional behavior towards the riding public,” dagdag nito.