Maglalaan ng sapat na pondo ang gobyerno upang mabayaran ang mga pamilyang naapektuhan ng giyera sa Marawi City noong 2017, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes.

Binanggit ng Presidential Communications Office na tutulungan ng Department of Budget and Management (DBM) ang Marawi Compensation Board (MCB) para sa tamang pagpopondo, pagkilatis sa pagpapatupad ng mga pamantayan ng Republic Act (RA) 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act.

Sa ilalim ng naturang batas, pangangasiwaan ng MCB ang walang buwis na pagbabayad sa mga “qualified claimants” na nawalan ng tirahan dahil sa sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga terorista sa naturang lungsod noong Mayo 23, 2017.

Kamakailan, nakipagpulong si DBM Secretary Amenah Pangandaman kayMCB chairperson Maisarah Dandamun-Latiph kung saan tinalakay ang ilalaan na budget para sa implementasyon ng nabanggit na batas.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nangako rin si Pangandaman na buo ang suporta nito sa rehabilitasyon at pagbangon ng Marawi City.