Tinamaan ng magnitude 4.9 na lindol ang Sarangani sa Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, dakong 5:03 ng madaling araw nang maitala ang pagyanig 228 kilometro timog ng Sarangani Island.

Sinabi ng Phivolcs, resulta lamang ito ng paggalaw ng fault line malapit sa sentro ng pagyanig.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks ang naturang pagyanig, ayon pa sa Phivolcs.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa rekord ng Phivolcs, huling tumama ang malakas na lindol sa lugar nitong Enero 18 matapos maramdaman ang 7.3 magnitude nito.