“This is it. I’m done. I’m officially retired. Thank you, Lord. I’m done. I’m gonna go home now. This is it for me.”

Marami ang naantig sa post ni Annabelle Rose Vives sa Tiktok tampok ang video ng kaniyang ama na nagpapasalamat dahil sa last day na niya sa kaniyang pagiging isang mailman sa United States. Makalipas ang 24 taon na pagseserbisyo, makapagpapahinga na siya.

“Woke up to the most wholesome video from my papa. Almost 30 years of service as a mail carrier. Congrats to my papa for making it to retirement ❤️ and shout out to all carriers and delivery workers out there!” caption ni Anabelle kalakip ng video ng kaniyang ama na si Anthony Vives.

Makikita sa video ang masayang imahen ng kaniyang ama na tila nakahinga nang maluwag matapos i-deliver ang huling mail sa kaniyang huling araw bilang mailman.

Kwentong OFW

OFW na may plastic wrap at note ang maleta: 'When you no longer feel safe in your own country!'

“It’s a little bit raining. But I don’t care. I’m done. Thank you, Lord. I’m done,” tila emosyonal na sabi ni Anthony sa video.

“I’m gonna go home now. This is it for me. Hey, baby. I’m done. This is it. Hey, sweetheart, I’m done,” saad pa nito na pinatutungkulan ang kaniyang mga anak at asawa.

Ayon sa ulat ng ANC, 65-taong gulang na ang tubong Batac, Ilocos Norte na si Anthony. Sa gitna ng kahirapang naranasan noong kaniyang kabataan, nagkaroon siya ng oportunidad noong 1981 para tumira at magtrabaho sa United States. Nasa 23-anyos siya nang mga panahong iyon.

Matapos ang ilang dekadang pagpupursigi at paghahanapbuhay, masaya na ngayon si Anthony sa piling ng kaniyang asawa na kasalukuyang supervisor sa Juvenile Court Health Services, at dalawang nurse na anak.

Nais daw ni Anthony na gugulin ang retirement stage ng buhay niya para mag-enjoy kasama ang kaniyang pamilya.

“Kaya pag nag-retire na ang asawa ko [in five years], pa-travel-travel na lang kami,” saad ni Anthony sa panayam niya sa ANC.

Dahil 2004 pa ang huling pag-uwi sa inang bayan, plano rin daw ni Anthony na magbakasyon sa Pilipinas sa darating na Hulyo para makita muli ang na-miss na tahanan.

Marami ang sumuporta sa video na ito ni Anthony na inupload ng kaniyang anak sa Tiktok. Umabot na ang post sa mahigit 167,400 reactions, 6,600 comments, at 3,000 shares.

Komento ng netizens:

“I love this!!! I know this man prayed everyday and the people on his route loved him!!!”

“Congratulations and may he enjoy this next chapter!”

“May GOD Bless papa and enjoy his retirement he deserves every bit of rest and fun!! ❤️”

“Congratulations Papa! Best to you on your new venture! Enjoy your retirement. You earned it 🥰”

“The “thank you Lord” TOOK ME OUT 😩😖🙏🏼 God bless you all!”

“Awwww 🥰thank you sir for your years of work to the community 🥰God bless you !!!”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!