“Gusto namin maramdaman ng aming guest na sumisisid sila sa creativity.”

Nagmistulang artwork ang isang swimming pool sa San Pablo City matapos itong pintahan ng temang “Starry Night” ng famous painter na si Vincent van Gogh.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni An Mercado Alcantara, innkeeper and creativity coach ng Casa San Pablo, na matagal nang walang tubig ang kanilang pool simula nang magka-pandemya.

“Ngayong maluwag na ang COVID restrictions, naisip namin na magandang pintahan ang pool ng images na magpapakita ng pag-asa at pagiging malikhain,” kuwento ni Alcantara.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Naging inspirasyon daw nila ang Starry Night dahil ganda nito na perfect na makapagbibigay ng positive ng vibe sa mga taong bibisita sa kanila.

“Ang Casa San Pablo ay isang creative wellness hub,” ani Alcantara. “Gusto naming maramdaman ng aming guests na sumisisid sila sa creativity.”

Dahil nga sa pagkamalikhain ng naturang pool, maraming netizens ang humanga sa pinost ng isa sa mga nagsilbing artists nito na si Rodney James De Guzman. Sa ngayon ay umani na ang kaniyang Facebook post ng 14,000 reactions, 210 comments, at 1,400 shares.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!