Dumating na sa bansa si United States Defense Secretary Lloyd Austin nitong Martes ng gabi.

Sinalubong siya ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

Makikipagpulong si Austin kay Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez kung saan inaasahang tatalakayin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Nakapaloob sa EDCA ang pagpapahintulot ng Pilipinas sa pagpunta ng tropa ng mga Amerikano sa bansa at pag-o-operate ng pasilidad sa mga kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Bukod dito, makikipagpulong din si Austin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bumisita na rin sa bansa si Austin noong Hulyo 29, 2021.

Noong Nobyembre 2022, bumisita sa bansa si U.S. Vice President Kamala Harris at si U.S. Secretary of State Antony Blinken.

Joseph Pedrajas